Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Taytay vaccination plan kasado na

0 145

TAYTAY-Rizal — Tanging lagda na lang ni Health Secretary Francisco Duque III ang hinihintay ng pamahalaang bayan upang tuluyan nang maikasa ang kanilang local vaccination plan.

Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni Taytay Mayor Joric Gacula na handang-handa na ang kanilang mekanismo para sa mass vaccination para sa 90% ng kanilang 371,500 na populasyon.

“Handang-handa na kami. Naisumite na namin ang vaccination plan para sa aming mga residente. May tiyak na bakuna na kami, mayroon na din kaming cold storage facility, at mayroon na ding mga itinatalagang vaccination centers at mga medical professionals na siyang mangangasiwa sa proseso,” ani Gacula kasabay ng pagpapahayag ng masidhing pagnanais na agad maibalik sa normal ang pamumuhay sa kanilang bayan.

Sa ilalim ng kanilang local vaccination plan, ang bawat isa sa kanilang anim na barangay ay mayroong isang vaccination center. Sa bawat isang vaccination plan ay nailatag na din nila ang mga recovery at observation centers para sa mga babakunahan.

Gamit ang P320-milyong pondo, nakapagsumite na din ng pormal na letter of intent to procure ang Taytay local government sa mga biopharmaceutical firms na nagdevelop ng bakuna kontra COVID-19 –ang AstraZeneca at Moderna.
Kabilang sa naging basehan ng pagpili ng Taytay LGU ang mga sumusunod:

• Siyensitipikong pag-aaral na nagbibigay ng higit sa 90% efficacy para sa mga naturang bakuna mula sa kanluran.
• Rekomendasyon ng mga local medical professionals
• Preference ng mga residente
Paliwanag na Gacula, lubos nilang pinahalagahan ang rekomendasyon ng siyensiya at ng kanilang nasasakupan sa pagpili ng bakunang itututurok sa kanilang mga residente.
“We took the recommendation of our local medical community and the preference of our constituents of significant value before we made our decision,” dugtong pa ng alkalde.
Sa sandaling lagdaan na nii Sec. Duque ang kanilang vaccination plan, agad nila aniyang sisimulan ang registration process.
“Actually, yun na lang ang kulang para ganap na kaming makapagsimulang maibalik sa normal ang buhay namin dito,” pagtatapos pa ni Gacula.

Leave A Reply

Your email address will not be published.