Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Teacher inarmalite ng senior citizen

0 90

Nasa kritikal na kalagayan ang 47-anyos na guro nang pagbabarilin ng senior citizen na kapitbahay gamit ang M16 rifle habang sugatan naman ang isa pa nang tamaan ng ligaw na bala sa Quezon City.

Inoobserbahan sa ospital ang biktimang si Glenda Vea, ng Brgy. Pansol habang sugatan naman ang kasama nito sa bahay na si Franie Vea, na isang security guard.

Batay sa ulat, alas-kwatro Lunes ng hapon nang maganap ang insidente sa Barangay Pansol. Nagulantang na lamang umano ang mga residente sa lugar nang lumabas sa kaniyang tahanan ang supek na armado ng armalite at tatlong beses na pinaputukan ang guro.

Kahapon sinuki ni Barangay chairman Jojo Mahusay sa pulisya ang suspek na si Recto Crispino, 63, makaraan ang ilang oras na pagtatago nito. Napagalaman na matagal nang may alitan ang suspek at ang biktima at mayroon nang dinidinig na kaso ang mga ito sa Quezon City Metropolitan Trial Court. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.