Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Team Bea iniwan ni Barretto

0 258

NI: ALWIN IGNACIO

Issue of national importance ba na umalis si Julia Barretto sa pamunuan ng Star Magic? Ngayon nga ay one of the many in house artists na sa Viva.

Ang mas bonggang malaman, kung how true na ngayong nag volt out na si Barretto sa dati niyang pamunuan, ang news daw was taken wonderfully by the starlets in waiting? Na sigh of relief, matalim na goodbye at good riddance ang kanilang nais ibato kay Julia lalo na nga’t negative pa ang impression ng karamihan sa kanya .

Hindi naman kaya ang mga naiwan at napag-iwanang starlets ni pretty Ms. Julia ay mga berdaderang team Bea Alonzo? Ang taray ng this generation’s movie queen kung may katotohanan nga ang haka-hakang ito. May clout siya, talagang tunay na reyna, huh!

Sa true lang, ang pinagtaka at kinahibang at ang gusto kong mapagtanto, ay kung sino ang maysala kaya ganun ang itsura ni Barretto? Parang gusto niyang kabugin ang espasol sa paputian. ‘Yung mga larawang lumalabas sa social media kung saan captured ang kanyang face, mukha siyang bakla na kaka-opera lamang at atat na atat na ipingalandakan na babae na siya at magandang tunay.

What’s with the super kapal na make up? Lumipat lang ng pamunuan nagkaganyan pa ang final look? Starlet na starlet ang arrive eh kahit paano naman may premium na siya bilang Julia Barretto, right?

Ang tanong, ma-achieve kaya ni Julia Barretto ang superstardom status na talaga namang kanyang pinapangarap? Will she be a showbiz force at magkaka-batallion of fans na papanoorin ang kanyang mga pelikula ? Bibilhin ba ang mga produktong ilalako niya sa merkado?

Look na lang muna ako sa sky at itatanong sa buwan kung lalapit man lang ba siya sa kasikatan ni Sarah Geronimo o mas Kim Molina Jr. in the making ang kababagsakan niya?

Leave A Reply

Your email address will not be published.