Abante Tonite Interactive

Team Europe nina Federer, Nadal buena-mano sa Laver Cup

By
5

Ibinigay ni world No. 2 Roger Federer sa Team Europe ang buena-manong titulo ng Laver Cup nang ipagpag si Nick Kyrgios ng Team World sa super tie-break thriller sa Prague nitong Linggo.

Nanalo si Federer, Austra­lian Open at Wimbledon champion ngayong taon, 4-6, 7-6 (8/6), 11/9 para ihatid ang Team Europe sa 15-9 lead.

“I kind of felt good going into the breaker,” wika ni Federer. “It was a nail-biter at the end but for me personally it was a dream scenario.”

Papasok sa matches nitong Linggo ay lamang ang Team Europe 9-3, pero numipis nang talunin nina Jack Sock at John Isner sina Tomas Berdych at Marin Cilic sa opening doubles rubber.

Inilapit ni Alexander Zverev ang Europe sa trophy nang alpasan si Sam Querrey sa straight sets, pero hindi naselyuhan ni Rafael Nadal ang titulo nang masilat kay John Isner sa straight sets din.

Sa bihirang pagkakataon, nagtambal sa doubles sina Nada­l at Federer kamakalawa.