Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Team Kris imbyerna sa pambabastos kay Ninoy

0 172

Galit na galit ang kampo ni Kris Aquino at ilang mga artista sa diumano’y “pambabastos” ng UniTeam rally sa rebulto ng dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino sa Tarlac kahapon.

Alam ng lahat na ang Tarlac ay sinasabing balwarte ng mga Aquino. Ginanap ang rally sa plaza sa harap ng City Hall kung saan naroroon ang rebulto ng yumaong Senador.

Sa mga kumalat na larawan ay makikitang natatakpan ng tent ang harapan ng itaas na bahagi ng rebulto kaya hindi makikita ang mukha nito.

Ang ibabang bahagi naman ay natatakpan ng poster.

Of course ay hindi ito nagustuhan ng kampo ni Kris at idinaan sa Twitter ang kanilang galit.

SM food to go Banner Ad

“MGA BASTOS!!!” ang tweet ng official fan page ni Kris sa Twitter na may handle name na @KrisAquinoWORLD.

Isa pang tweet ng fan page, “Tarlac City, nasaan ang RESPETO???”

Kaagad nagtreding sa Twitter ang salitang bastos at ang pangalang Ninoy. Galit na galit ang mga netizen, gayundin ang iba pang artista na kilalang kakampinks.

“Ano na namang kahangalan ito? Ganyan talaga asal ninyo?” ang tweet ni Bituin Escalante.

“Move on” pero tinakpan ang rebulto ni Ninoy? Kalokohan!” tweet naman ni John Lapus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.