Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Team ni Thirdy wagi

0 328

Walang kasingtamis ang nasungkit na panalo ng koponan ni Thirdy Ravena sa Japan B.League na San-En NeoPhoenix nitong Miyerkoles.

Ito ay dahil na rin sa walang puknat nilang kamalasan matapos malampaso nang pitong magkakasunod pinalad na rin.

Walang forever sa kanilang pagkatalo dahil sa unang pagkakataon, wagi ang tropa nang makapaglaro na rin ang pambato ng ‘Pinas at pabagsakin ang Kyoto Hannaryz, 94-75.

Bagamat ‘di present sa mga unang mga laro sa B.League, aarangkada na si Ravena sa susunod na pakikipagbakbakan ng team sa Nobyembre 7 at 8 dahil clear na ito at nakasunod na sa quarantine protocol ng Covid-19. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.