Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Team oner laban-bawi BLACKWATER AAREGLO

0 257

Nagpapa-arrange na si Blackwater owner Dioceldo Sy noong Huwebes ng meeting kina PBA Commissioner Willie Marcial at GAB Chairman Baham Mitra para personal na humingi ng paumanhin sa mga nasabi.

Miyerkoles nang ipahayag ng 62-year-old businessman ang pambu-bully sa kanya ng liga, planong pagbenta na sa Elite sa P150M at pagkairita kay Mitra.

Nag-ugat iyon sa liham kay Sy ni Marcial noong Martes. Pinagpapaliwanag siya sa nasabi sa isang TV interview na nag-practice na ang team niya sa kabila na sa Hulyo 22 pa dapat.

Binalaan din ni Mitra sa hiwalay na sanction ang Blackwater dahil sa pagsuway sa IATF protocol.

Samantala, isang PBA source ang nagsabi na marami-raming dadaanan bago maibenta ang isang prangkisa.

“Hindi naman ganu’n kadali ‘yun,” anang insider. “May Board ka pang dadaanan. Kahit sabihing nalulugi, may proseso pa rin ‘yun.”

Pinagmulta ng PBA kamakalawa ang Blackwater ng P100,000 at ni-require ang players at coaches na magpa-swab test. Kahit negative sa coronavirus, inatasan ang buong team na mag-self quarantine ng pitong araw.

Paiimbestigahan din ni Marcial ang mga pahayag ni Sy laban sa liga.

“Seryoso ‘yung mga binitawan ni Mr. Sy,” ani Marcial. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.