Abante Tonite Interactive

Team ‘Pinas suportahan sa 30th SEA Games

0 155

Ngayong araw, ­No­­b­yembre 30 ang opening ng 30th Southeast Asian (SEA) Games at siyempre mataas ang expectation ng lahat ­dahil nga sa laki ng inilaang budget ng gobyerno sa pag-host ng bansa dito. That’s P7.5B!

Sa Philippine Arena ang opening ­ceremony ng SEA Games. First time ito na ang ­opening ceremony ay indoor o gagawin sa loob ng isang sports stadium. Kadalasan kasi’y sa ­labas o open field ito ginagawa.

Pero dahil 55,000 naman ang capacity ng Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ­sigurado namang kasya ang ­lahat ng participant – kabilang ang mga athlete, mga manonood, mga volunteer at iba pang mga delegado sa SEA Games.

Sa 30th edition ng SEA Games, ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng major decentralization sa pa­laro kung saan ang competition ay naka-spread sa 23 siyudad across the country na hinati sa apat na cluster.

Lahat naman gusto makapanood nito kaya buti na lang kalat-kalat ang lugar na pagdarausan ng competition. Meron sa Metro Manila, sa Clark Pampanga, meron din sa Subic, Laguna, Cavite, Batangas at iba pa.

Siyempre andiyan ang bagong New Clark City Sports ­Stadium sa Capas, Tarlac kung saan gagawin ang swimming at iba pang aquatic sports at track and field event. Kontrobersiyal ang bagong stadium na ito kasi nga naman P7.5B ang ginugol sa pagpapatayo nito.

Umabot sa 56 sports discipline (pinakamarami sa history ng SEA Games) ang lalaruin kasama na diyan ang Esports at obstacle.

Dahil host country tayo, siyempre tayo ang pinakamaraming participant, 1,868 in total, kung hindi ako nagkakamali. Lahat ng sport kasali tayo.

Buti naman para makaranas din ang ating mga local athlete na sumabak sa kumpetisyon kalaban ang mga karatig bansa natin sa ASEAN.

Kapag sa ibang ­bansa ginagawa ang ­laban, limitado ang pinapadalang atleta. ‘Yung may mga potensiyal lamang na makasungkit ng medalya ang pinapadala. So, magandang exposure rin ito sa mga baguhang atleta na first time pa lamang sasabak sa ganitong klase ng kompetisyon.

Sa totoo lang kahit nakakainis ang napa­balitang aberya (totoo man ito o hindi), siyempre gusto nating maging matagum­pay ang pagho-host gayundin ang manalo ang ating mga atleta.

Pride natin ang nakataya dito. Kung maging successful ang pagho-host ­natin sa SEA Games, ang ­credit nito hindi lang naman sa gobyerno o sa mga organizer nito ­kundi sa ating ­lahat, sa ­buong sambayanang Pilipino.

At kung suwertehin pa tayo at makuha ang overall championship sa SEA Games, mala­king karangalan sa atin iyon. The last time we won the overall championship was noong 2005 kung saan host din tayo.

Pagkatapos kasi niyan, poor na ang performance natin sa mga sumunod SEA Games. Kung hindi 6th place, pang-P7th place tayo. Two years ago 6th place tayo sa ­Kuala Lumpur Sea Games kung saan 26 gold medal lang ang naiuwi ng ating mga atleta. Nakakadismaya ‘di ba?

Pero ngayong tayo ang host, kahit nakakapikon ang ilang napabalitang sablay (na pilit namang sinusolusyunan ng mga organizer) sa preparasyon, hangad natin na magtagumpay ang ating pagho-host.

At siyempre ma­ngarap na rin tayo na makuha ang overall championship. Malay mo maulit ito tulad ng nangyari noong 2005. Hindi natin masabi. Sabi nga nila bilog ang bola.

Dahil libre naman ang ticket sa venue ng mga laro, except sa basketball and volleyball, sugod na tayo at suportahan natin ang ating mga atleta. Ang tagumpay nila ay tagumpay nating lahat!