Abante Tonite Interactive

Team Takayama may prinsesa na

180

Sa aking nakaraang kolum ay nabanggit ko na magaganda na naman ang resulta na ipinapakita ni Mike Takayama sa mga torneong nilalaruan niya.

Kamakailan lang ay dalawang sunod na event siyang nakapasok sa final table at parehong pangatlong puwesto siya tumapos.

Pareho ring nasa pitong pigura ang kanyang naiuwi sa mga event na iyon kaya nadagdagan na naman ng ilang milyon ang kanyang career earnings.­

Pero bago pa madagdagan ang kanyang yaman ay may mas malaking blessing ang unang dumating sa pamilya Takayama.

Bago kasi mag-umpisa ang Asia Pacific Poker Tour (APPT) kung saan siya humakot ng kung ilang mil­yong pisong premyo ay nag-post sa kanyang Facebook si Mike na magkakaroon na ng prinsesa sa kanilang pamilya. Ibig sabihin ay magiging kuya na ang panganay nila na si Akio Michael.

Ibig sabhin din nito ay malamang na ‘di muna lalaro sa mga torneo ang reyna sa pamilya Takayama na si Grace para ‘di siya masyadong ma-stress. Huli nating nakita si Grace sa isang mala­king event sa Metro Card Club kung saan dinaig pa niya si Mike dahil nakapasok siya sa final table habang maagang nalaglag ang kanyang mister.

Mayroong ongoing event sa Metro at inaasahan ko na ipagpapatuloy ni Mike ang kanyang magandang laro. Siguradong gustong bumawi ni Mike dahil nga ‘di maganda ang resuta ng kanyang huling torneo noon.

Susubukan ko ring lumaro sa Metro event na tinaguriang Batang Metro Poker Challenge na may garantisadong premyong P2M at entry fee na P4,500.
Wish me luck at si­yempre good luck din sa lahat ng iba pang sasali.