Abante Tonite Interactive

Technical kay Durant, binawi

355

Binawi ng NBA ang technical foul na binigay kina Kevin Durant at JaMychal Green sa Game 3 ng Western Conference first-round playoffs.

Sa third quarter ng 132-105 win ng Golden State Warriors, sadsad si Durant nang barahan ni Green na tumakbo para mag-set ng screen kay Los Angeles Clippers teammate Shai-Gilgeous Alexander.

Agad napituhan ng T sina Durant at Green.

Nitong Biyernes, binawi ng NBA ang unang tawag matapos ang video review.
“Me and JaMychal Green, we were conver­sing about the play that happened before, just like you and I,” ani Durant pagkatapos ng panalong nagbigay sa Warriors ng 2-1 lead. “Somebody came out of nowhere and tech’d us both. How would you feel? That was pretty quick.”

Hindi naging pisikal ang enkuwentro ng da­lawa, nagtatawanan pa habang pabalik sa kani-kanilang puwesto.

Pangatlong T sana ‘yun ni Durant sa postseason. (VE)