Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Technofarm walang lusot 7 pork shipment sa BOC

0 64

Inutusan ng Bureau of Customs ang Technofarm Agricultural and Aquatic Products Inc. na bayaran ang buwis sa mga shipment nito na dumating sa Manila International Container Port noong Setyembre 7, 2021 ngunit na-discharge na.

Ang naturang kompanya ay tinuturing na isa sa pinakamalaking pork importer sa bansa.

Pinangalanan ni Senador Panfilo Lacson ang Technofarm bilang isa sa apat na nakakuha ng pinakamalaking alokasyon ng pork import sa Department of Agriculture (DA) na papasok sa mas mababang taripa.

Binaba na ang taripa sa imported pork sa 5% para sa mga darating sa bansa sa ilalim ng tinatawag na minimum access volume na pinalaki na ring ng administrasyong Duterte sa 350,000 tonelada mula sa 54,000 tonelada.

Ang Technofarm ay kasama sa listahan na inilabas ng BOC noong Setyembre 8 kung saan nanawagan ito sa mga may-ari ng 2,036 shipment na pumasok sa MICT na mag-file ng entry at magbayad ng buwis para makuha ang mga shipment na na0discharge noong Setyembre 7.

SM food to go Banner Ad

Pinuna rin ng BOC ang limang shipment ng Technofarm na pumasok naman sa Port of Manila noong Setyembre 2, 2021 dahil walang entry ang bill of lading ng mga shipment nito ng frozen pork cutting fat at frozen chicken wings.

Ayon kay Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) chair Rosendo So, may entries dapat ang mga bill of lading ng mga nag-aangkat.

Sa bill of lading nakalagay ang mga detalye sa isang shipment tulad ng shipper or consignee, ang lugar kung saan kinarga ang shipment, ang destinasyon at pati na ang kaukulang phytosanitary permits kaugnay nito.

Ayon naman sa isa sa mga may-ari ng Technofarm na si Alvin Limlingan, maaaring clerical lamang ang naging problema ng pitong shipment.

“Technofarm still intends to go public so all practices above board if anything clerical,” sabi ni Limlingan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.