Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ted ,DJ ChaCha kakasa na sa Radyo 5

0 83

Babalik na sa ere ang beteranong broadcaster na si Ted Failon, kasama si Czarina Marie Guevara na kilala rin bilang DJ ChaCha.

Ang dalawa ay magiging anchor ng 4 na oras na morning news magazine program sa Radyo 5, ang FM news station ng TV5.

Si DJ ChaCha ang long-time radio partner ni Failon sa “Failon Ngayon” ng ABS-CBN’s AM radio outfit na DZMM.

“We are excited to deliver a paradigm shift on FM Radio. And we are thankful that Radyo 5 will give us the opportunity to serve the people with this one-of-a-kind format,” ani Failon.

“Maraming, maraming salamat po sa Radyo 5 sa pagkakataon na ito. At sa lahat ng aming mga tagapakinig, mas gaganda ang inyong umaga dahil malapit nang mabago ang tunog ng FM Radio!,” dagdag niya.

Martes nang kumpirmahin ni News5 chief Luchi Cruz-Valdes na lumipat na si Failon sa Kapatid network, matapos ang 3-dekadang pagtatrabaho sa Kapamilya network.

Samantala, nagpasalamat naman ang ABS-CBN management sa serbisyo ni Failon para sa broadcast giant na tinanggihan ng Kamara na bigyan ng bagong prangkisa noong Hulyo.(SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.