Abante Tonite Interactive

Ted Failon, dyowa ni DJ Chacha?

By
6,407

Tinanong si DJ Chacha kung mag-on ba sila ni Ted Failon? Marami kasing kinikilig sa kanila pag napapakinggan at napapanood sa kanilang teleradyo.

“Actually po ‘yung mga hindi nakakaalam umeere rin ako sa DZMM kasama si Mr. Ted Failon. Para lang po ‘yun sa entertainment pero off the air si Papa Ted ay para ko siyang tatay- Tito po talaga.

“Naglolokohan nga kami ng dyowa ko dati, pag niloko mo ako dyodyowain ko si Ted Failon. ‘Sabi ko pag nagkahiwalay kami feeling ko kay Ted Failon ako babagsak. Tingnan po natin pag naghiwalay kami ng dyowa ko,” paliwanag niya sabay tawa.

Si DJ Chacha ay kilalang dyosa sa balat ng radio at napapakinggan sa MOR 101.9

Base sa pinakahuling survey ng Kantar Media para sa unang quarter ng taong 2018, nakakuha ang MOR 101.9 Manila ng pinakamataas na average audience share na 33% sa lahat ng FM stations sa Mega Manila. Ito ay lamang ng 12 puntos kumpara sa pinakamalapit nitong kalaban na nakatamo lang ng 21%.

Bukod sa MOR Manila, karamihan din sa MOR stations sa bansa ay namamayagpag sa radyo sa kani-kanilang rehiyon kaya naman mas pag-iibayuhin pa ito ng MOR Philippines.

Sa ilalim ng MOR Philippines, magsasanib-puwersa ang 17 MOR stations para maghatid sa mga tagapakinig sa Luzon, Visayas, at Mindanao ng iisang tunog at iisang vibe.

Bukod sa paghahatid ng de-kalidad na entertainment sa radyo, sinusulong din ng MOR ang original Pinoy music o OPM at binibigyang pugay ang Filipino artists at songwriters sa pamamagitan ng taunang MOR Pinoy Music Awards.
Para sa taong ito, ang mga nominado para sa Song of the Year ay ang ‘Titibo Tibo’ ni Moira Dela Torre, ‘Demonyo’ ni JK Labajo, ‘Sampu’ ni Jona, at ang ‘Shanawa’ ni Maymay Entrata.
Nominado naman si Maymay, Moira, Alexa Ilacad, at Yeng Constantino para sa Female Artist of the Year, habang nominado naman para sa Male Artist of the Year sina JK, Iñigo Pascual, Christian Bautista, at Noven Belleza.

Maglalaban-laban naman para sa Album of the Year ang Rivermaya (‘Sa Kabila ng Lahat’), sina Gloc 9 (‘Rotonda’), Jona (‘Jona’) at JK Labajo (‘JKL’).

Para naman sa Best Collaboration of the Year, nominado sina Elisse Joson at Mccoy De Leon, Gracenote at si Chito Miranda, at si Jona kasama ang Boyband PH.

Nominado rin ang awi­ting ‘Opposites Attract’ ng McLisse para sa OPM Revival of the Year category, kung saan makakabangga nila ang ‘Sundo’ ng Moira Dela Torre, ‘Beautiful Girl’ ng JK Labajo, at ‘Why Can’t It Be’ ni Kaye Cal.
Samantala, nakuha naman ng BoybandPH ang ika­lawa nitong nominasyon para sa LSS Hit of the Year category para sa kanilang awiting ‘Boyfriend.’ Makakalaban nila rito sina TJ Monterde para sa ‘Tulad Mo,’ Noven Belleza para sa ‘Tumahan Ka Na,’ at Kim Chiu para sa ‘Okay Na Ako.’

Magtatagisan naman para sa Regional Song of the Year ang ‘Cebuana’ ni Karencitta, ‘Waray Love Bisaya’ ni Polzkee at Ai, ‘Yayay’ ng Piyaok Band, at ‘Dvoeña’ ni Pao Lofranco. Maglalaban naman sina Kisses Delavin, Maris Racal, Tony Labrusca, at Noven Belleza para sa Best New Artist.

Hindi rin pahuhuli ang musical acts na sumikat online gaya ng Agsunta, Karencitta, Ex-Batallion, at Ben&Ben na nominado para sa Digital Artist of the Year category.

Magaganap ang MOR Pinoy Music Awards 2018 sa Hulyo 21 sa Araneta Coliseum. Abangan ang Facebook pge ng MOR para sa malaman kung paano makakuha ng tickets sa #MORPMA2018.

Jeric , ibinuking sina Bianca at Miguel

Pinakilig na naman nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang kanilang fans dahil sa naging kwentuhan nila with All Access host na si Joyce Pring. Isang trivia lang naman kasi ang ikinuwento ng aktres kung ano ang favorite thing niya about her leading man. And unlike other girls, simple lang ang gusto ni Bianca sa Kapuso actor. Aniya ito ay ang pagiging corny niya sa jokes nito. Gayumpaman, napapasaya pa rin daw siya nito.

Pero ang pinakakinakilig ng lahat ay ang sagot ng kapwa nila ‘Kambal, Karibal’ star na si Jeric Gonzales sa tanong ni Joyce. Ayon sa Kapuso host, ano pa raw ba ang na-develop bukod sa friendship nilang mga co-actors? Sagot naman ni Jeric, ‘Sila’ na ang ibig sabihin ay sina Bianca at Miguel.

Kaloka, huh! Totoo ba ito, BiGuel!

Rodjun at Dianne ikakasal sa 2019

Naghahanda na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina sa kanilang kasal sa 2019.

Dito naka-focus si Dianne kesa magtatalak sa hinahabol niyang investment diumano kay Kathy Dupaya.

“Excited na ako Tito. Enjoy lang journey.

“So, sayang naman if mapalitan ng stress. Minsan lang po ako dadaan sa wedding planning po,” tsika ni Dianne nu’ng maka-chat namin.

Si Rodjun naman ay nadagdag naman ngayon sa cast ng seryeng ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’ ng GMA 7. Nagwo-work siya kasabay ng preparasyon ng kanilang kasal ni Dianne.

Mas lalong paiinitin ni Rodjun ang inyong mga hapon dahil sa naturang top-rating Afternoon Prime series na ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’. Ginagampanan niya ang karakter ni Edward, ang bagong lalaking gagamitin ni Ava (Jackie Rice) para sa kanyang masamang plano. Hot and steamy si Rodjun dahil gagamitin pala siya ni Ava para magkaroon uli ng anak at palalabasing anak ito ni Marco (Mike Tan). Magtagumpay kaya si Ava na muling mabuntis kapalit ng nalaglag nilang baby ni Marco?