Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ted wagi sa libel

0 968

NI: VINIA VIVAR

Ibinasura ng Court of Appeals ang libel case na isinampa ni dating Metro Manila Development Authority na si Francis Tolentino laban sa ABS-CBN anchor na si Ted Failon.

Taong 2017 nang sampahan si Ted ng libel ng noo’y nakaupong MMDA Chairman na si Tolentino dahil sa isang episode sa show niyang Failon Ngayon in 2016 . Tinalakay niya ang umano’y mis-use of funds ng MMDA dahil sa pagbili nito ng second-hand motorcycles for the Papal Visit.

Related Posts

Ayon sa tweet ni ABS-CBN journalist na si Mike Navallo, napagpasyahan ng CA na i-dismiss ang kaso dahil wala raw element ng libel ang naturang impormasyong inilabas ni Ted partikular na ang “actual malice.”

“CA said information vs Failon failed to allege all elements of libel, particularly actual malice. Actual malice is required in cases involving public officials, public figures,” bahagi ng tweet ni Navallo.

Nang makapanayam ng ABS-CBN News, nagpasalamat si Ted at aniya, ang desisyong ito ay isang liwanag sa panahon ng kadiliman.

“The decision speaks of free press rights. Ito ay tagumpay para sa lahat ng mamamahayag. Salamat sa mga kapamilya sa ABS-CBN na katulong natin sa pagtatanggol sa kasong ito. This is a bright spot during these dark days,” pahayag ni Ted.

Leave A Reply

Your email address will not be published.