Abante Tonite Interactive

Teen actress, bastos sa yaya

By
9

MANA kay Mama! Bata pa ang teen actress noong nag-start sa showbiz.

Agad siyang kinakitaan ng galing sa pag-arte.

Kahit batambata pa, maraming nagkaka-crush sa kanya.

Si mommy, super-proud sa pretty daughter niya.

‘Yung iba, sinasabing palalakihin nila si pretty girl bago ligawan.

Inis-inisan ang peg ni mama. Umiral ang pusong-ina, so to speak.

Lumipas ang mga araw… ang mga linggo… ang mga buwan… ang mga taon…

Eto na ang hinihintay ng mahihilig. Dalaginding na ang dating child actress.

Napapansin ng ibang stage mother ay ang teen actress ay nagmamadali sa pagiging dalaga.

Mahilig itong mag-selfie-selfie na labas ang dila. Revealing ang outfits niya sa FB, IG & Twitter.

Ang mga dalahira, mistulang chorus girls sa isang Greek play, “Like mother, like daughter!”

Tera (as in inggitera) daffon lang ba ang ibang stage mudra?

May jealousy man o jalousie, hindi maitatanggi na itong si mama ay nagdadalaga ang peg.

Pagkahatid kasi ni mommy kay teen actress sa studio o location, fly away na siya.

Iniiwan niya sa yaya ang kanyang pretty daughter.

Lumalandi si mommy sa isang makatas at tigasing bagets.

Na-meet na ni teen actress ang boyfie ni mommy.

OK lang kay pretty daughter na kumokyondi ang kanyang mama, basta ‘wag siyang pagbabawalan nito sa mga ginagawa niya.

Walang basagan ng trip!

Itong si pretty daughter na nagmamadaling maging dalaga,

Makatanggal-tutuli kung tumili.

Maiksi ang damit. Kapal-kapalan ang make-up. Tawa nang tawa ‘pag may kausap na boys.

Bastos kung sumagot sa yaya niya pati sa ibang tao na mas matanda sa kanya.