Abante Tonite Interactive

Teenager na drug pusher nakorner

230

Kulungan ang bagsak ng isang 19-anyos na binatilyo matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Marikina Police sa Barangay Tumana, kamakalawa nang gabi.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Joshua Borre y Walohan, residente ng Brgy. Tumana, na nakakulong ngayon sa Marikina detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 Art II Sec. 5 & Sec.11.

Ayon sa report, isinagawa ang buy-bust operation bandang alas-10:50 Biyernes nang gabi sa Block 53 Mais St., Brgy. Tumana, matapos makatunog ang Marikina Police sa iligal na gawain ng suspek kung saan ay agad na nagresponde at nakipagtransaksyon sa suspek ang isang pulis na umaktong buyer.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu at P500.00 buy-bust money. (Vick Aquino)