Abante Tonite Interactive

Teenager nalunod sa Quezon beach

294

Nauwi sa trahedya ang overnight swimming ng magbabarkadang teenager mula sa Laguna nang malunod ang isa sa kanila sa beach sa Sariaya, Quezon noong Sabado ng umaga.

Kinilala ng Sariaya Police Station ang biktima na si John Vincent Monde, 15-anyos at nakatira sa Brgy. Sto. Tomas, Calauan, Laguna.

Kasama ang ilang barkada, nagtungo ang mga ito sa public resort sa Brgy. Guis-Guis Talon alas-sais ng gabi noong Valentine’s Day para sa kanilang overnight swimming.

Kinabukasan pagkagising ay muling nag-swimming ang biktima subalit napunta ito sa malalim na bahagi ng dagat na naging sanhi ng kanyang pagkalunod.

Isinugod pa ito sa Lucena United Doctors Hospital and Medical Center subalit idineklarang dead-on-arrival ng doktor. (Ronilo Dagos)