Abante Tonite Interactive

Teenager sinuntok, hinabol ng saksak ng erpat

325

“Huwag na huwag kang uuwi at babalik kundi totodasin kita.”
Ito ang galit na galit na sambit ng isang taxi driver sa kanyang sariling anak nang suntukin niya ito at habulin ng saksak sa Caloocan City, Huwebes nang umaga.

Nahaharap sa kasong attempted parricide at illegal possession of deadly weapon ang naares­tong suspek na si Ulysses Arthur Garcia, 44, nakatira sa sa Phase 4-C, Package 6, Block 41, Excess, Brgy. 176.

Kuwento ng kanyang anak na si Paul, 19, nakahiga daw siya sa kuwarto nang tawagin ng kanyang ama.

Abante Hiring – IT dep

Bumangon ang teenager at habang nakatalikod sa ama ay bigla siyang sinuntok sa batok.

Pagharap ni Paul, nakita nito ang ama na may hawak na patalim kaya agad itong tumakbo palabas ng bahay at nagpunta sa barangay hall.

Rumesponde naman ang mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip ni Ulysses at nakuha sa kanyang pag-iingat ang 10 pulgadang patalim.

Ayon kay Paul, lagi umanong galit sa kanya ang ama ngunit hindi nito alam ang dahilan. (Orlan Linde)