Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tekla no sex, no tsibog sa dyowa

0 596

Nagreklamo ang kinakasama ni Super Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag sa Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo.

Pinakita ang video na nag-aaway sila.

Nagsumbong din siya na pinipilit umano siyang makipag-sex.

Bakit daw hindi na pagbigyan si Tekla since magdyowa naman sila?

“Masama ang pakiramdam ko. Pag hapon po nilalagnat ako, sumasama ang pakiramdam ko.Ang bigat po ng ulo ko. Hindi niya po maintindihan.Hindi niya po niya marespeto.

“Pina-injectionan po ako ng family planning kasi ‘di niya mapigilan ang sarili niya. Gusto po niya akong galawin,” lahad ni Michele.

Urirat ni Raffy, pag pinipilit siya at tumatanggi ano ang nangyayari? Ano’ng ginagawa niya?

“Ano po mumurahin niya ako.Hindi na po siya kikibo.Hindi na siya bibili ng pagkain kahit nagugutom na ‘yung mga pamangkin ko na nandito.Nag-iiyakan na ang mga bata.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nagmamakaawa po ako sa kanya na bumili na siya ng pagkain tapos sasabihin niya sa akin, bakit? Di ba ayaw mo? Ganito, ganyan…”

Tinanong ni Tulfo na pag ayaw makipag-sex ni Michelle kay Super Tekla ay ginugutom sila, pati ang mga bata ay nadadamay?

“Opo. Totoo po,” umiiyak na pahayag ng ka-live in ni Super Tekla.

Kuwento pa ni Michelle kay Tulfo, niyaya umano siya na mag-sex muna bago bigyan ng pambili ng pagkain. Pinalabas din daw niya ang mga bata.

Ask pa ni Raffy kung paano halimbawa hindi siya nakikipag-sex, hindi siya binibigyan ng pagkain so paano sila nakain? “Hihintayin po na ano… na bumalik po siya.Tapos ang gagawin niya hawak ko ‘yung anak ko natutulog sa dibdib ko, kukunin niya, magma-masturbate na lang po siya.”

Kuwento pa ni Michelle may isang pagkakataon na nagsariling sikap umano si Super Tekla na natalsikan ang mukha ni Michelle at ang mukha ng anak nila.

May isang anak si Michelle kay Super Tekla. ‘Yung panganay ng komedyante ay anak daw niya sa past relationship nito.

Bukas ang panig ni Super Tekla sa Tonite para sa ikakalinaw ng isyu at maging parehas.

Sinubukan namin hingin ang side at official statement ni Super Tekla sa kanyang messenger sa Facebook ,Instagram account pero wala siya kasagutan sa isyu.Nag-reach out din kami sa corporate PR na naka-assign sa GMA Artist Center, humahawak ng kanyang career pero wala pa reply habang sinusulat ito. (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.