Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Teleserye marathon pasabog ng A2Z

0 127

Mapapanood na ang mga teleserye, pelikula, at live entertainment shows ng ABS-CBN sa bagong A2Z channel 11 analog TV simula ngayong Sabado.

Hihirit ang teleserye marathon ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin, “Ang Sa Iyo ay Akin,” at “Walang Hanggang Paalam” ngayong weekend (Oktubre 10 at 11) bago ang pagpapalabas ng bagong episodes gabi-gabi simula Lunes (Oktubre 12).

Live na magsisimula ang “It’s Showtime” ngayong Oktubre 10 at ang “ASAP Natin ‘To” sa Linggo (Oktubre 11) para maghatid ng masasayang kulitan at musical performances.

Sa mga susunod na linggo, masusubaybayan na rin sa A2Z channel 11 ang paghahatid ng serbisyo sa “Paano Kita Mapapasalamatan” at “Iba ‘Yan.”

Malapit na ring mapanood sa channel ang live na kwentuhan sa “Magandang Buhay,” ang hulaan at kantahan sa mystery game show na “I Can See Your Voice,” at ang longest-running drama anthology sa Asya na “MMK.”

Una nang ipinahayag ng ABS-CBN na ipapalabas na ang ilan sa mga programa nito sa bagong A2Z channel 11 bilang bahagi ng kasunduan nito sa Zoe Broadcasting Network Inc.

Leave A Reply

Your email address will not be published.