Abante Tonite Interactive

Teng, Pasig raratsada 5 kontra Parañaque

0 301

Malamang maging sandatang muli ng Pasig Sta. Lucia Realtors sina ex-pros sina Jeric Allen Teng at Josan Michael Nimes sa pakiki­pagsalpukan sa Parañaque Patriots sa lusob ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 eliminations mamaya sa Hoops Dome, Cebu City.

Kumalembang si Teng ng 25 points samantalang kumaskas si Nimes ng 19 markers nang araruhin ng SLR ang SOCCSKSARGEN Armor On nitong Biyernes, Agosto 2 sa Pasig Sports Center, 89-77.

Kaya ang dalawang basketbolista ang aasahan ni coach Segundo dela Cruz upang makalimang sunod na ragasa sa alas-7:00 ng gabing rambol laban sa Patriots na nais sundan ang 81-77 pag-alpas sa Imus nitong Hulyo 30.

Parehong nasa Group A North Division ang dalawa. Nasa fourth place ang Realtors sa 5-2 win-loss record. Nasa 12th ang Parañaque sa 3-5.

Magpapang-abot din sa alas-7:00 ng gabi sa Group B South Division ang 10th-running Queen City of the South (3-5) na sasandalan ang homecourt para makakalas sa kambal na tilapon laban sa nasa ika-14 na puwesto, may 3-6 na Munitlupa Cagers na buhat din sa talo.