Abante Tonite Interactive

Teng winasiwas ang Imus

148

Pinagpag ng Pasig-Sta. Lucia Realtors ang three-game slide sa pagtabon sa Imus-Luxxe Slim Bandera, 93-88, sa 3rd Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 Huwebes sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.

Nagpasabog ng career-high 35 points si ex-pro Jeric Teng sa likod ng pitong 3-pointer sahog ang 4 boards upang patibayin sa North Division seventh spot ang kanyang team sa 15-11 win-loss record.

“From first to third quarters, napakaganda na nang itinatakbo namin, pagdating ng fourth quarter, nag collapse na naman kami sa depensa. Good thing nanalo pa rin kami, we will take this kaysa matalo,” suma ni Pasig coach Bong dela Cruz.

‘Di naman sumapat ang 19 markers ni Jojo Cunanan para pumirmis sa ika-14 na puwesto sa South Division sa markang 6-22

Ang iskor:

Pasig 93 – Teng 35, Nimes 23, Manalang 13, Mendoza 8, Gotladera 5, Najorda 3, Medina 2, Tamayo 2, Velchez 2, Grealy 0, Chavenia 0.
Imus 88 – Cunanan 19, Nacpil 17, Helterbrand 15, Cantimbuhan 9, Vito 8, Munsayac 6, Ng Sang 6, Deles 4, Morales 4, Dedicatoria 0, Ong 0, Arellano 0. (Aivan Denzel Episcope)