Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tennis, golf swak na rin kay Alyssa

0 183

Sporty ang datingan.

Bukod sa pagba-volleyball, niladlad na rin ni Alyssa Valdez ang kanyang talento sa mga larangan ng (lawn) tennis at golf.

Sa Instagram story ng 26-year-old, 5-foot-9 volleyball phenom kahapon, makikitang busy noong Huwebes sa paghambalos sa bolla ng tennis kalaban ang pader.

Sa isa pang IG story, inatupag naman ng Batangas native, Premier Volleyball League (PVL) outside hitter ng Creamline Cooll Smashers, ang paggo-golf kasama ang long-time dyowang si Philippine Basketball Associatiopn (PBA) star Kiefer Isaac Ravena ng NLEX Road Warriors.

Siguradong pampakondisyon ito ni Valdez kapag nagbukas na ang inantala ng COVID-19 na 4th PVL 2020. Kondisyon na siya kahit ngayon mag-open ang liga dahil sa walang humpay na workout mahigit tatlong buwan na nang magka-pandemic. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.