Abante Tonite Interactive

Tennis star Bouchard mapangahas sa hubaran

4,092

SA ikalawang sunod na taon, balik si tennis star Eugenie Bouchard sa Sports Illustrated Swimsuit edition.

Mukhang mas mapangahas ang 23-anyos na American sa latest shoot, o mas marami siyang pinakitang laman. Kasama niya sa edition ang kalaban sa tennis na si Sloane Stephens at Olympic gold medalist Aly Raisman.

Martes kinumpirma ni Bouchard (@geniebouchard) sa Twitter ang balita.

Paglabas ng mga larawan niya sa shoot, nag-text agad si Bouchard sa kanyang ama para daw pulsuhan kung ano ang masasabi nito.

Pinoste rin ni Bouchard ang palitan nila ng text messages ng ama.

“I love the video. Its all good with me :)),” cool na sagot ng ama.

Sinundan niya ito ng isa pang text: “You its a bit strange for a dad to see his daughter half clad in a magazine. But its done so tastefully. I’m proud of you. Well done!”

Parang nakahinga ng maluwag si Bouchard sa tweet: “Sooo Dad approves … thank God.”

Sa amin din, aprub na aprub.(VE)