Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tenorio absent sa Gins training

0 91

Excuse muna si Lewis Alfred Tenorio sa may ilang araw ng training ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings para sa nalalapit na muling pagbubukas ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup sa Oktubre.

Pinayagan siya ni coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone na umabsent muna sa Upper Deck sa Pasig workouts dahil na rin sa nakatakdang panganganak ng asawa ng pro league’s Iron Man ng pang-apat na nilang supling.

Pero ipinangako naman ng 36 na taong gulang at 5-9 ang taas na playmaker kay Cone na nagpapakopndisyon din naman siya sa libre niyang oras sa kanilang tahanan. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.