Abante Tonite Interactive

Tenorio doble ingat sa guwardiya ng Magnolia

By
0 718

Magiging pigaan ng utak ang semifinals duel ng Ginebra at Magnolia Pambansang Manok sa PBA Governors Cup.

Mahaba-habang Manila Clasico ang sisiklab, hindi na magtataka si Gin Kings guard LA Tenorio kung masagad ang best-of-five series.

“It’s gonna be a long series because it’s gonna be a chess match,” ani Tenorio paglabas ng dugout sa Smart Araneta Coliseum Martes ng gabi.

Sa parehong araw ay dinispatsa ng Gins at Hotshots sa isang laro lang ang mga nakatunggali sa semifinals.

Unang itinumba ng Magnolia ang Blackwater 103-99, bago sinipa ng Ginebra ang NLEX 111-75.

Hindi pa tinatalo ng Hotshots ang Gins sa pitong laro sapul noong semis ng 2017 Philippine Cup.

Nalubog noon ang Gins 3-2 pero tinuhog ang sumunod na dalawang laro.

Inaabangan ni Tenorio ang mas agresibong Hotshots, lalo sa depensa.

“They’re gonna be motivated playing against us so we have to be ready to adjust also,” dagdag ni Tenorio.

Ang guards ng Hotshots ang isa pang hamon na nakikita ng veteran guard na isinama ni Yeng Guiao sa pool ng National team para sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“They’re a guard-oriented team na nagko-complement sa import nila, so we have to be mindful of that,” anang veteran playmaker.