Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tenorio habol ang rekord ni Bryant

0 182

Hindi makakalimutan ni LA Tenorio na nagpalitan sila ng pawis ni Kobe Bryant nang maglaro ang Black Mamba sa Smart All-Star Weekend sa Araneta Coliseum noong 2011.

Wish ni Tenorio na kumiskis sa kanya ang isang bagay na mula sa NBA legend – ang haba ng serbisyo sa court, tumagal ng dalawang dekada sa Lakers.

Kung sa tibay, pasado na ang Nasugbu, Batangas native dahil naka-14 years na siya sa PBA. Mula 2006, walang palya ang laro niya kaya ang Ginebra na ang bagong Iron Man ng pro league.

“I’m on my 15th year, going on 16th,” aniya sa Sports Page podcast nitong Miyerkoles. “Gusto ko rin habulin ‘yung 20 years.”

Konting kembot na lang, mapapantayan ‘yun ni Tenorio na nag-36 nitong July 9.

Mas mahaba ang pahinga ni Tenorio dahil tinigil ng coronavirus ang 45th Season, mas sariwa ang mga tuhod pagbalik ng Philippine Cup sa target date na mid-October.

Ang disiplina ni Kobe sa katawan ang ikinabilib ni Tenorio sa Lakers great.

“’Yung leadership niya, saka ‘yung sinasabi nilang Mamba Mentality. Nakita ko ‘yung leadership, ‘yung focus n’ya sa laro, playing 20 years,” wika ni LA.

Nitong Aug. 23 ay 42 na dapat si Kobe, namatay noong January kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa sa helicopter crash sa California. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.