Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tenorio muntik umatras sa bubble

0 203

Kung sakaling nagbago ang ihip ng hangin, posibleng hindi napalanunan ni LA Tenorio ang makasaysayang Finals MVP at championship trophies ng 45th PBA 2020 Philippine Cup bubble.

Nilantad Lunes ni ‘Tinyente’ na ilang araw bago magsimula ang all-Pinoy conference, pinag-iisipan na niya na huwag maglaro sa katatapos na season.

Ito’y dahil sa kanyang iniindang tahi mula sa laparoscopic appendectomy ilang linggo bago magsimula ang bubble. Kapapanganak lang din ng kanyang misis na si Chesca.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kung babalikan ko, parang hindi talaga ako pinapapunta, e. May mga ganung senyales,” lahad ng Ginebra veteran guard.

Nakipag-usap na aniya siya kina SMC sports director Alfrancis Chua at Gin KIngs coach Tim Cone. Nasabi ang plano na kung lilimitahan lang ang kanyang playing time para mapanatili ang ‘Iron Man’ streak ay hindi na lang siya lalaro.

“Kasi we need to win. Bottom line is we need to win as many games as possible. Hindi naman puwedeng basta maka three minutes lang ako para hindi lang masira yung (Iron Man) streak,” giit ng 36-anyos na manlalaro.

Una ring all-Filipino crown ito sa 13 taon ng Ginebra. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.