Abante Tonite Interactive

Tenorio napikon sa San Miguel fan, pinatulan puno na ang salop!

By
2,134

Hindi lang sa loob ng hardcourt mainit ang bakbakan ng sister-teams Barangay Ginebra Gin Kings at San Miguel Beermen na nagbabakbakan pa sa korona ng 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Sa social media, mas mainit ang talakan ng mga fan, kung minsan, pati ng mismong player.

Hindi na napigilan ni Ginebra guard L.A. Tenorio na sumagot at rumesbak sa isang SMB fan nang murahin siya nito sa Twitter kaugnay sa isang play sa nagdaang Game 2 ng mid-season finale.

“Wag mo kong mumurahin di mo ako pinapalamon! Magulang ko di ako minumura! Bago ka manghusga siguraduhin mo muna!” sagot ni Tenorio kay Twitter user @si_jeyem.

Sagot ito ni Tenorio sa video na pinost ni @si_jeyem na nagpapakita na hindi tinawagan ng foul ang ginawa ni Tenorio kay June Mar Fajardo.

Sa komento ni @si_jeyem, sinabi nitong “tan*na mo LA, pati si Junemar titirahin mo ba g*go.”

Tinambakan sina Tenorio at ang Brgy. Ginebra sa nasabing laro, 109-134. Sa kasalukuyan, angat na ang Beermen 2-1 sa serye.