Abante Tonite Interactive

Tenorio pasimuno sa ‘Heal The World’

0 476

SA Hollywood, pinangunahan ni Gal Gadot ang ilang celebrities sa cover ng ‘Imagine’ ni John Lennon para daw maibsan kahit paano ang pagkabahala ng mga tao sa coronavirus.

Pero sa halip na matuwa, marami ang nainis sa inisyatiba ni Wonder Woman.

Dito sa Pilipinas, si LA Tenorio naman ang nanguna sa pagkanta ng ‘Heal the World’ ni Michael Jackson.

Sa video, si Tenorio ang point guard na nagpasimula ng atake sa unang linya, sinundan ni Paul Lee.

Kumanta rin sina Marc Pingris, Scottie Thompson, Jimmy Alapag, Gabe Norwood, Jayson Castro, Japeth Aguilar, Mark Caguioa, James Yap, Beau Belga, Kiefer Ravena, June Mar Fajardo.

Natapos ang 1:24 video sa mga katagang ‘Laban Kababayan, Laban buong mundo, Lalaban Tayo, Laban Pilipinas.

Na-bash si Gal Gadot, pero maraming natuwa sa effort ng PBA stars sa sarili nilang paraan para maiparating sa publiko na maging aware sa pandemic.

“Players natin sa social media telling people na huwag lumabas ng bahay,” ani commissioner Willie Marcial. “Si LA Tenorio and other stars, even sang ‘Heal the World.’” (VE)