Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tenorio, Thompson, Aguilar bida

0 318

GINEBRA KAMPEON

Smart Clark Giga City – Pagkatapos ng 60 days sa Pampanga at sa Quest Hotel, bubble champion ang Barangay Ginebra San Miguel.

Iginapang nina LA Tenorio, Japeth Aguilar at Stanley Pringle ang 82-78 panalo laban sa TNT para sikwatin ang PBA Philippine Cup title Miyerkoles ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City.

Tinapos ng Gins ang best-of-seven sa limang laro para i-annex ang unang all-Filipino crown sapul noong 2007. Si Mark Caguioa na lang ang natitira sa lineup ng huling Philippine Cup championship na ‘yun 13 years na ang nakakaraan.

Idinagdag din ni winningest coach Tim Cone ang titulo sa 22 na niyang unang koleksiyon.

“This one’s for you, all you Ginebra fans out there,” bungad ni Cone sa kanyang on-court speech. “We talk about you guys all the time. Just so proud we’re able to bring this to you.”

Si Tenorio ang tinanghal na Honda PBA Press Corps Finals MVP. Nag-average ang Tinyente ng 13.6 points, 2.8 rebounds, 6.2 steals at 1.4 steals per game.

Matamlay ang shooting ni Pringle pero hindi nasiraan ng loob, ibinaon ang tres na bumasag sa huling tabla sa 73-73. Magkasunod na sinubuan ni Tenorio sina best player of the game Aguilar at Devance para ilayo sa 80-73.

Huling dumikit ang Tropang Giga 80-77, sinelyuhan ni Tenorio ang kampeonato sa dalawang free throws. May mahalagang six pts. si Scottie Thompson.

Malaking kawalan sa TNT ang pagliban nina Jayson Castro at Ray-Ray Parks na parehong iginupo ng calf injury.

Tumapos si Aguilar ng bagong career-high 32 points at 9 rebounds, may 13 points, 6 assists si Pringle at 10 markers, 6 feeds kay Tenorio.

Namuno sa Tropa ang 23 points ni RR Pogoy, may 18 points at 15 rebounds si Poy Erram.

Ang iskor:

BARANGAY GINEBRA SAN MIGUEL 82 – Aguilar 32, Pringle 13, Tenorio 10, Dillinger 8, Thompson 6, Mariano 5, Chan 3, Caperal 3, Devance 2, Tolentino 0.

TNT 78 – Pogoy 23, Erram 18, Enciso 17, Rosario 12, De Leon 6, Vosotros 2, Washington 0, Montalbo 0, Reyes 0, Carey 0.

Quarters: 19-19, 38-36, 55-56, 82-78. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.