Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tenorio uhaw sa PH Cup title

0 138

Isang tropeo na lang sa tatlong pinaglalabanan taon-taon sa Philippine Basketball Association (PBA) ang hindi pa napapanalunan ni Lewis Alfred “LA” Tenorio ng Barangay Ginebra San Miguel.

Iyan ay ang pinakaprestihiyoso sa tatlo na Philippine Cup na isang all-Pinoy conference. Ang dalawa pa ay mga reinforced import Commissioner at Governors Cups.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Ayon nitong Linggo kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III sa kanyang Instagram na @thepbaologist, “Believe it or not, @LA_Tenorio is hoping to experience his 1st-ever all-Filipino championship.”

Nakalimang kampeonato na ang 36 na taong-gulang, may taas na 5-9 point guard ng Gin Kings at 14 na taong beteranong pro na mga kinabibilangan ng 2019 Govs Cup, 2018 Commissioner’s Cup, 2017 at 2017 Govs Cup at 2010 Fiesta Conference.

“Iba rin kasi iyong All-Fiipino dahil masasabi mo na puro lang talaga homegrown ang kasali,” ani Tenorio, ang 2006 first round, fourttth overall pick ng Miguel Beer attt pr league’s Iron Man sa 655 straigh games. (Angelio Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.