Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Teresa boto kay Barbie

0 132

NI: VINIA VIVAR

Suportadong-suportado ni Teresa Loyzaga ang relasyon ng anak niyang si Diego Loyzaga kay Barbie Imperial at sa malas ay botong-boto naman siya sa aktres.

Sa Instagram page ni Barbie ay nagbilin pa si Teresa sa dalawa na mahalin ang isa’t isa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hija @msbarbieimperial and my son @diegoloyzaga Love each other. Respect each oher. Protect each other. Speak kind words to each other. Speak kind words of each other. Be happy. You both deserve it,” ang mensahe ni Teresa kina Diego and Barbie.

Sumagot naman si Barbie ng “thank you po tita!” na sinagot din ni Teresa ng “you’re welcome hija.”

Bukod dito ay nag-comment din si Teresa sa isang post ni Diego na kapag nakikita raw niyang masaya ang kanyang anak ay pinamakasaya siya.

Kitang-kita naman talaga kung gaano ka-happy ngayon si Diego sa piling ni Barbie kaya naman as a mom, sino ba naman ang ayaw na makitang masaya ang kanyang anak?

Leave A Reply

Your email address will not be published.