Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Teresa, Diego tinuhog ni Direk Romm

0 326

NI: ROLDAN CASTRO
Sobrang happy ng multi-awarded director na si Romm Burlat dahil nasa kalagitnaan na ng shooting ang pelikulang ‘Minsa’y Isang Alitaptap’.

Bukod sa maganda ang istorya, bongga rin ang casting .Tampok dito sina Teresa Loyzaga, Gina Pareno, Ron Macapagal at special guest si Diego Loyzaga.

Kumbaga, tinuhog niya ang mag-ina at napagsama sa isang project.Challenging ito sa kanya lalo’t nandiyan pa si Gina.

“A Star Reborn. Kasi normally mga kontrabida roles si Teresa. But this movie super drama s’ya. ‘Yung mga karakter na pino-portray nina Jaclyn Jose, Sylvia Sanchez at Cherry Pie Picache ganoong klase ang ginawa niya,” bungad ni direk Romm.

Pangalawang beses nilang pagsasama ni Teresa ang ‘Minsa’y Isang Alitaptap’. Una ay ang “And I Loved Her” with Ron, Faye Tangonan, Rez Cortez, Richard Quan, Keanna Reeves.

Ano’ng masasabi niya sa ermat ni Diego?
“Teresa is a humble and helpful person. As an actress, she is sensitive. Hindi lang nabigyan ng chance for better roles in movies and TV. But this movie napiga ko acting skills n’ya. Magaling. There are 2 scenes na hindi sya makakalimutan ng mga manonood. Sigurado akong mano-nominate s’ya dito or even win her first best actress award,” deklara ni direk.

Hindi ba maldita sa set si Teresa kasi mukhang mataray pag tinitingnan?

“Hindi. Super bait. Totoong tao. One of my best friends in showbiz. Malambing. Mapagmahal na kaibigan,” pakli pa niya.

Ang ‘Minsa’y Isang Alitaptap’ ay prodyus ng TTP ni Ms. Teresita Pambuan, katuwang ang ROMMantic Entertainment Productions.

Leave A Reply

Your email address will not be published.