Abante Tonite Interactive

TERORISMO ISUSUNOD!

By
15

Kampante na si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na patapos na ang problema sa iligal na droga pero hindi ito dahilan upang mag-relax sapagkat mahaharap umano ang bansa sa seryosong problema sa terorismo.

“I’d like to warn you in the coming days we will be facing serious problems aside from drugs. Ok na ‘yung drugs hayaan mo na lang ‘yung mga operating units but be prepared for something else, it’s terrorism,” babala ng Pangulong Duterte nang magtalumpati sa gradua­tion ng PNP-Highway Patrol Group motorcycle riders sa Davao City kamakalawa ng gabi.

Iginiit ng Pangulo na dapat paghandaan ang problemang ito sa tero­rismo.

Abante Hiring – IT dep

“It will come and I will make the statement after I shall have comeback to Manila, to confer with you. Medyo ano talaga tayo ha be prepared, apat, lima, anim lang ‘yan but it will requires human intelligence, ang pinaka the best d’yan,” ayon pa sa Pangulo.

Ito rin umano ang nakikita niyang panganib para sa bansa.

“Within the next two, three years, bantay kayo, kalaban mo d’yan iyan ang pinakadelikado, I’m talking with everybody, ayoko naman ng gulo, mapatay mo man lahat yang kaharap mo wala rin. This has been going on for so many years,” giit pa nito.

Sa halip na makipagsagupaan ay mas mabuti umanong makipag-usap na lamang sa grupong nasa likod ng panggugulong ito.

“Tsika-tsika lang muna, I will talk, hindi naman sana ma-offend ang military but that it is really the best solution, talk at ease lang muna tayo. Wala naman tayo magawa, I said we cannot wage war against our own people. And you cannot build the government over the bones of the soldiers and the rebels, so we are freed of the insurgency sa NPA but the problem here are the Moro rebels, I hope to talk to them eventual­ly because I really I do not want… I do not see any anything good about fighting. Sabihin na mapahiya tayo, kaya that aint the case, coz  it will never stop the terrorism, mas mabuti pang mag-usap na lang, so that is always a policy,” dagdag ng Pangulo.