Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Terorista, kritiko masayang nag-aaway AFP, PNP – Ping

0 392

Tiyak na nagbubunyi ang mga terorista at kalaban ng gobyerno sa nangyaring insidente sa Jolo, Sulu kung saan apat na sundalo ang napatay ng mga pulis, ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Una rito, tinawag ni Philippine Army chief Lt. Gen. Gilbert Gapay na murder at rubout ang pagkasawi ng apat na sundalo habang sa panig naman ng Philippine National Police (PNP) ay “misencounter” umano ang nangyari.

Bilang dating PNP chief, sinabi ni Lacson na naiintindihan niya ang nararamdaman ni Gapay sa pagkawala ng apat nilang sundalo.

“While I can easily relate to CG, PA Gapay and understand how he feels about the slain Army officers, emotions running high at this point is the last thing that they need,” sabi ni Lacson.

“For all they know, their common enemies such as the terrorists and armed insurgents are already celebrating the Sulu incident,” dagdag pa nito.

Sabi ni Lacson, siguradong gagatungan pa ng ilang kaaway ng gobyerno ang insidente para mahati ang dalawang security force ng bansa.

Magaling aniya ang mga kalaban ng gobyerno at ng sambayanan na gatungan ang `di pagkakaunawaan sa pagitan ng PNP at Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng kanilang mga legal front para gumawa ng intriga na lalong maghahati sa dalawang major security force ng bansa.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.