Abante Tonite Interactive

Terrence Romeo, Jayson Castro nagsigawan

NAGKAKASAPAWAN!

By
3,095

Emosyonal si Jayson Castro sa laro ng TNT KaTropa Linggo nang gabi.

Naka-leave si coach Nash Racela, na­ngailangan pa ng extra five minutes ang Texters bago naitakas ang 118-114 panalo kontra Columbian Dyip sa Smart Araneta Coliseum.

Sa dulo habang naghu-huddle si interim coach Eric Gonzales, kitang ibinato ni Castro ang hawak na bote ng Gatorade.

Iba na ang timpla ng dalawa pagtunog ng final buzzer at naputol ang three-game skid ng Texters sa PBA Governors’ Cup.

Pati si Terrence Romeo na hindi naglaro sa 112-82 loss ng TNT sa Phoenix noong Biyernes, maingay din sa court.

Sa isang play, iniwan ni Romeo at tinirahan ng pahirapang layup si Rashan McCarthy. Pagpasok ng bola, sinigawan pa ni Romeo sa mukha si McCarthy bago pumagitna ang referee 57 seconds sa OT.

Nakatawa na sina Castro at Romeo bago lumabas ng court.

“Wala ‘yun,” simpleng tugon ni TNT team manager Virgil Villavicencio sa lam­bingan ng dalawang guards.

Tumapos si Castro ng team-high 25 points, 6 rebounds at 7 assists. Umayuda si Romeo ng 23 markers at 6 feeds.

May 16 points pa si Roger Pogoy, limang kabit dito sa bukana ng OT na nagpakalas sa TNT 112-110 mula sa 107-107 count pagkatapos ng regulation.