Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Terrence, Terrafirma sinagasaan Meralco

0 109

Matinding sipa ang isinalubong ng Terrafirma sa leg 2 champion Meralco 22-18 sa Day 1 ng leg 1st PBA 3×3 Lakas ng Tatlo leg 3 sa Ynares Sports Arena sa Pasig Sabado ng gabi.

Inumpisahan nina Terrence Tumalip at Matt Salem ang arangkada ng Dyip bago tinapos nina Dhon Reverente at Jedd Bulawan. Nagsumite si Tumalip ng 7 points, 6 kay Salem.

Malinis na 3-0 ang Terrafirma sa Pool A, sunod na sinagasaan ang Pioneer Pro Tibay 17-14 bago ang NorthPort 21-11.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Pool B, even 1-1 ang Barangay Ginebra San Miguel sa 22-15 loss sa Platinum Karaoke bago naungusan ang San Miguel Beer 21-20 sa likod ng game-winning 2-pointer ni Dennice Villamor. Umayuda si Jollo Go ng 7.

Nagliyab naman sa dulo si Jeremiah Gray para ihatid ang maiden champion TNT sa 20-17 win laban sa Cavitex Braves sa Pool C.

Tumapos si Gray ng 12 points para sa 1-1 Tropang Giga na naglarong tatlo lang ang players dahil binuno ni Lervin Flores ang 1-game suspension sa unsportsmanlike foul kontra Meralco sa semis ng leg 2. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.