Abante Tonite Interactive

Terrorist attack sa London kinondena

By
12

Mariing kinondena ng Malacañang ang panibagong pag-atake ng te­rorista malapit sa Parsons Green station sa Southwest London na nagresulta sa pagkasugat ng dalawampu’t-dalawang katao.

Sa ipinalabas na pahayag ng Malacañang, sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na nakikiisa ang gobyerno sa iba pang mga bansang nagdarasal para sa mabilis na paggaling ng mga nasugatang biktima.

Mahigpit aniyang nakabantay ang embahada ng Pilipinas sa London sa sitwasyon sa United Kingdom at pinayuhan na ang mga Filipino community na manatiling kalmado at alerto.

Abante Hiring – IT dep

“We strongly condemn the latest terrorist attack near the Parsons Green station in Southwest London that left scores of people injured. The Philippine Embassy in London is closely monitoring the situation in the United Kingdom. Our embassy officials and staff have advised the members of the Filipino community to remain calm yet vigilant even as there are no reports of Filipinos injured in the explosion. Our thoughts and prayers are with the victims of the blast as we wish them a speedy recovery.”

Ipinagpasalamat ng Palasyo na walang naiulat na Pilipinong nasugatan sa pagsabog.