Abante Tonite Interactive

TESDA nangangailangan ng mga guro

902

Kailangan ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng La­nguage Skills Institutes (LSIs) ng mga teacher /trainer para sa mga linguwahe Arabic, Korean, English, Mandarin Chinese, German, Mandarin Taiwanese, Italian, Spa­nish, Japanese at Bahasa Indonesia.

Sa ipinalabas na memo kahapon ng TESDA, inatasan nito ang mga Regional Director, Executive Director ng National Institute for Technical Education and Skills Development (NITESD) at National/Regional Language Skills Institutes (N/RLSIs) na buhayin ang La­nguage Skills Institutes ng ­ahensya.

Ayon sa TESDA, ang work-based language at culture programs ay mahalaga pamamagitan sa mga estudyante at job-ready workers upang ma­pahusay at mapaunlad ang kanilang competitiveness pandagdag sa kanilang taglay na mga qua­lification na nire-require ng kanilang industry/employer, sa local at international markets.

Ang N/RLSIs ay inatasan na mag-alok ng la­nguage and culture programs sa kanilang lugar base sa bansa na marami ang pupuntang mga overseas Filippino wor­ker (OFW) gayundin sa mga bansa na may “go­vernment-to-government agreement sa Pilipinas.

“In this regard, all the Regional Directors and TTI (TESDA Technology­ Institution) administrators where the N/RLSIs are located shall determine the appropriate foreign language and culture offerings in their respective N/RLSIs based on geographical needs and demands, available resources, capabilities and facilities,” paliwanag pa ng TESDA.

Ang TESDA ay mayroong 37 N/RLSIs sa buong bansa at ito ay lilikha rin ng ‘pool’ ng mga qua­lified Languange Trainers para sa 37 LSI sa pamamagitan ng pagdaos ng Languange and Cultu­ral Training of Trainers sa nabanggit na mga lenguwahe.