Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TESDA tambak graduate walang trabaho

0 318

Pinasisiyasat ng mga mambabatas sa Kongreso ang mababang paggamit ng budget at mabagal na pagpapatupad ng mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Isiniwalat ni Makati City Rep. Luis Jose Angel Campos Jr., na nagsampa na sila ng House Resolution No. 1394 upang tingnan ang “depektibo at hindi sapat” na mga programa ng TESDA na nagresulta sa mas mababa sa anim sa bawat 100 na nagtapos sa ahensya ang nakakakuha ng tunay na mga trabaho.

Inihain ang resolusyon matapos manawagan ang Commission on Audit (COA) sa TESDA dahil sa umano’y mahinang outcome ng kanilang Special Training for Employment Program (STEP).

Batay sa pinakahuling annual audit report sa TESDA, sinabi ng COA na mababa ang employment rate ng ahensya kumpara sa target nitong 65% ng total graduate sa kabila ng P2.1 bilyong pondo na inilaan para sa STEP noong 2019.

Nabatid na sa 75,004 STEP graduate noong 2019, 5.64% lang o 2,451 ang nagkaroon ng trabaho, na malayong-malayo sa target ng ahensya na 65% na employment rate.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.