Abante Tonite Interactive

Test tube baby pak na pak sa mga artista

Ice, Vicki Belo, Joel Cruz todo gastos para magkaanak

491

Usong-uso sa mga celebrity ang magbuntis sa pamamagitan ng In Vitro Fertilization o IVF.

Ang prosesong ito ay ang pagsasama ng sperm ng lalaki at itlog ng babae sa labas ng katawan. Ito ay pini-fertilize sa loob ng test tube kaya tinatawag ding “Test tube baby” ang mga sanggol na nabubuo sa IVF.

Kadalasang ginagamit ang procedure na ito ng mga mag-asawang nahihirapan sa pagbubuntis bunga ng pagi­ging baog, problema sa reproductive system, katandaan o ‘di kaya ng mga LGBTQ community.

Katulad ng isinasagawa sa mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño. Kamakailan lang ay inanunsiyo nila ang IVF procedure. Sa December 2019 na mang­yayari ang pagsasalin ng fertilized embryo. Kay Ice kukunin ang itlog na pagsasalinan ng semilya ng sperm donor.

Nitong huli ay ibinunyag ng mag-asawa na may nahanap na silang sperm donor. Diumano’y isa itong six-footer, blue eyes, summa cum laude, musician, at lookalike ng American actor na si Liam Hemsworth

Ang Surrogacy ay kasunduan na kung saan ang isang babae ay pumapayag na dalhin ang sanggol sa loob ng kaniyang sinapupunan hanggang sa isilang niya. Kadalasang ang surrogate mother ay hindi kaano-ano ng mag-asawa.

Matatandaan na ang Lord of Scent na si Joel Cruz ay nagkaanak sa pamama­gitan ng IVF. Sa ngayon ay mayroon na siyang walong anak bunga ng nasabing procedure. Mayroon siyang tatlong set ng kambal. Si Joel mismo ang namimili ng magiging gender at lahi ng anak niya.

Ganoon din ang proseso na isinagawa kina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Dahil sa edad ni Dra. Belo ay wala na siyang kakayahang magbuntis. Ang anak nila na si Scarlet Snow Belo ay isa ring “Test Tube Baby”.

Biological daughter ni Dra. Belo si Scarlet Snow Belo pero may surrogate mother. (Itutuloy)

Ang anak din ni Dra. Vicky Belo na si Cristalle Henares ay sumailalim din umano sa egg freezing. Katulad niya ay pinreserve rin ng aktres na si Ai-Ai delas Alas ang kaniyang mga egg cell para magkaanak sa asawa na si Gerald Sibayan.

Plano rin ni Ai-Ai na magkaroon ng anak sa January 2020 at kung ‘di ito kakayanin ng normal procedure ay baka sumailalim na siya ng IVF.

Pumasok din sa ganitong procedure sina Maricar de Mesa at Don Allado
May alingasngas din na dumaan sa ganitong proseso ang isang sikat na aktres na may asawang politician.

Hindi lang dito patok ang IVF kundi maging sa Hollywood. Gaya na lang ng mag-asawang sina Chrissy Teigen at John Legend na nanganak noong April 2017 sa kanilang panganay. Inamin din nila na nag-preserve na rin silang mag-asawa ng pitong embryos na may iba’t ibang kasarian para sa susunod na pagbubuntis.

Ang 9-anyos na kambal ni Celine Dion at isang 18-anyos nilang lalaki ng namayapa niyang asawa na si René Angélil ay bunga rin ng IVF. Sumailalim sila sa mahigit pitong IVF procedure bago mabuo ang mga anak.

Si Kim Kardashian sumailalim din sa IVF procedure.

Si Khloe Kardashian, sinubukang gumamit ng IVF nu’ng sila pa ng dating NBA player Lamar Odom subalit nabigo.

Si Hugh Jackman at kabiyak na si Deborra-Lee Furness. Dalawang beses na sumailalim sa IVF ngunit nauwi sa miscarriage.

Nia Vardalos at Ian Gomez, 13 failed IVF treatments.

Nicole Kidman: “I had tried and failed and failed and failed.

Sarah Jessica Parker at Matthew Broderick, ang kambal nilang anak na babae ay isinilang via gestational surrogate noong 2009.

Ilang ulit ding nakunan at nabigo sa IVF cycles si Brooke Shields ngunit nagtagumpay din at nabiyayaan ng anak na babae noong 2003.

Tagumpay din sa unang IVF treatment sa panganay na anak sina Emma Thompson at Greg Wise.

Kahit na sino naman ay maaaring sumailim rito, ngunit hindi lahat ay may kakayahan dahil sa kamahalan ng procedure. Ayon sa Very Well Family, ang isang IVF cycle ay nagkakahalaga ng mahigit P620,000. Hiwalay pa rito ang iba pang proseso gaya ng ICSI o ang pagpasok ng sperm sa itlog na nagkakahalaga ng P50,000 hanggang P200,000.

Ang pinakamahal sa lahat ng procedure ay ang Surrogacy o ang babae na magdadalantao. Kadalasan ay umaabot ito mula P2 milyon hanggang P5 milyon.

Napakalaking halaga nito pero wala nang tutumbas pa sa ligaya na maidudulot nito sa mag-asawang nangarap na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng teknolohiya.

Ano nga ba ang ‘in vitro fertilization’?

Ang in vitro fertilization (IVF) ay fertility treatment o isang paraan ng “assisted-reproductive technology” na tumutulong sa mga babaeng nahihirapang mabuntis nang normal.

Hindi ito iyong tipo na nakikipagtalik sa natural na paraan. Sa naturang proseso, binubuo ang fertilized egg sa pamamagitan ng pagkuha ng mga itlog mula sa obaryo o bahay-bata ng babae kasama ang sperm ng lalaki para ma-fertilize sa laboratory.

Kapag fertilized na ang itlog, ilalagay ito sa uterus ng ina hanggang sa mailuwal ang sanggol.

Para saan ang IVF?

Ang IVF ay kalimitang isinasagawa sa mga babae o misis na may `endometriosis’ kung saan ang cells na nakikita sa uterus (endometrium) ng isang babae ay tumutubo sa labas ng kanyang puson.

Makakatulong ang IVF sa mga kababaihang may barado, nasira o baldadong fallopian tube. Ang fallopian tube o lagusan ng itlog ang nagdadala ng itlog mula sa obaryo patungo sa uterus.

Puwede rin itong ikonsidera ng mga kababaihang may depekto sa ovulation kung saan hirap silang makaresponde sa iba pang paraan para maging fertile.

Pwede ring gamitin ang fertility treatment na ito ng mga kalalakihang may problema sa sperm count o may taglay na mababang kalidad ng tamud.

Ilan naman sa umaming sumailalim sa egg freezing ay sina Aiai Delas Alas, Mich Dulce na nakilala sa Pinoy Big Brother; Divine Lee – TV host at blogger at ang anak ni Dra. Vicky Belo na si Cristalle. ()