Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Testigo ng prosekusyon walang kredibilidad – De Lima

0 360

Tahasang inihayag ng kampo ni Senador Leila de lima na walang kredibilidad ang testigo ng prosekusyon dahil na rin sa mga magkakasalungat at walang saysay na testimonya nito sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 256 matapos ang tatlong sunod-sunod na pagdinig na hindi nito dinaluhan.

Sonabi ni Atty. Rolly Francis Peoro, abogado ni De lima, magkaiba ang pahayag ni Engelbert Durano sa pagdining nitong Martes kumpara sa testimonya noong Oktubre 2019, na nagdeliber siya ng pera sa noo’y Justice Secretary De lima sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) Disyembre 2014 o ilang linggo bago isinagawa ang pinakamalaking pagsalakay sa NBP sa pangunguna ni De lima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“The Court’s stenographic notes will easily show that Durano’s testimony is full of contradictions. The alleged delivery is simply incredible, even a layman can easily detect the lies, It actually reminds us of the quote of Senator Roco regarding falsities where he said that ‘the problem with lies is they do not only quarrel with the truth. They also quarrel among themselves,’” paliwanag ni Peoro.

Si Durano, isang dating myembro ng pulisya ay nahatulan sa kasong murder at frustrated murder.

Inihayag nito na ang P1.5 milyong pera ay galing sa isang alyas `Jaguar’ o Jeffrey Diaz, na nauna nang nagsabi na wala siyang alam na transaksyon kay De lima. Si Diaz ay napaslang naman ng mga awtoridad sa Las Pinas City noong Hunyo 2016.

Leave A Reply

Your email address will not be published.