Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Testigo ni Ping umatras sa takot

0 356

Umurong ang isa sa mga testigo sa alegasyon ng korapsiyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ilang minuto bago mag-umpisa ang imbestigasyon ng Senado noong Martes, ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

Sa panayam ng mga reporter, sinabi ni Lacson na nag-log-in na si dating PhilHealth head executive assistant Estrobal Laborte sa video conference subalit bigla itong nag-log out sa online meeting.

“Disappointing nga nung bigla siyang nag-log out. Naka-log in siya, biglang hinahanap namin, nag-log out na,” pahayag ni Lacson sa online interview.

Pagkatapos nito, nalaman umano ni Lacson sa kanyang staff na minabuti ni Laborte na huwag na lang sumali sa pagdinig dahil sa kanyang seguridad.

“Malaking kawalan `yon. Marami siyang alam. Kung mag-all out siya, marami siyang sasabihin. Nung unang attempt niya, excited, he really wanted to give it all,” pahayag ni Lacson.

Nauna na umanong nagsabi si Laborte na natatakot ito sa kanyang kaligtasan noong una siyang humingi ng tulong sa Senado kaugnay na diumano’y iregularidad sa PhilHealth.

“Ang sinabi niya lang noon, may naramdaman siya na may mga sumusunod sa kanya,” ani Lacson.

Gayunpaman, sinabi ni Lacson na maari silang mag-isyu ng subpoena kay Laborte para maobliga itong dumalo sa susunod na pagdinin ng Senado sa Agosto 11. (Dindo Matining

Leave A Reply

Your email address will not be published.