Abante Tonite Interactive

Testing center sa Marikina bagsak sa bio-safety

0 495

Hindi pinayagan ng Department of Health (DOH) na makapag operateang inilaģay na testing center ng lokal na pamahalaan ng Marikina dahil hindi umano ito pumasa sa bio-safety guideline.

Sinabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na nakatanggap sila ng liham sa tanggapan ni DOH Secretary Francisco Duque III na dapat na ang pasilidad ay nakalagay sa isang hiwalay na gusali.

Gàyunman,sinabi ni Health spokeperson at Usec Ma Rosario Vergeire na “Not rejected. We will work with them and help them until they can attain the standards”.

Nabatid kay Teodoro na ang itinayo nilang testing facility ay nasa ika 6 na palapag ng gusali ng City Health Office

“’Yung buong palapag na ‘yun na sixth floor ng ating city health office ay wala nang ibang opisina, binakante na namin at tanging ‘yung testing center na lang ang naroon,” Teodoro said.

“Maski naka-set up na, kumpleto na tayo sa gamit, may mga trained personnel na tayo, sumunod naman tayo sa biohazard protocols na hinihingi nila doon sa safety measures, ang dinahilan, ang sinasabi nila nakatupad naman kami, nakasunod naman kami sa lahat ng parameter, criteria ng isang molecular laboratory testing center pero naging problema raw yung lokasyon ng pasilidad,” ayon kay Teodoro.

Una nang sinabi ni Vergeire na nakahanda ang DOH na asistihan ang sinumang local government units (LGUs )na kayang magtayo ng isang laboratory center pero dapat ito ay ligtas sa anumang panganib.(Juliet de Loza-Cudia)