Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Testing ng face to face class gugulong sa Enero

0 247

Inilabas na ng Malacañang ang inaprubahang schedule o timeline para sa pilot testing ng face to face class sa mga lugar na mababa ang banta ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na simula nitong Lunes, inilarga na ng Department of Education (DepEd) ang pagpili ng mga paaralang isasailalim sa dry run. Itinakda sa Enero 11 hanggang 23, 2021 ang pormal na implementasyon ng face to face class na imo-monitor ng DepEd at ng National Task Force on COVID-19.

SM food to go Banner Ad

“Pilot lang po ito. Ito ay isang buwan lamang, wala pong pilitan, boluntaryo po ito at kinakailangan mayroong approval ng mga magulang at dapat papayag din ang LGU,” ani Roque.

Nilinaw ni Roque na nakasalalay pa rin sa mga lokal na opisyal kung gagawin ang pilot testing para sa face to face. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.