Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tetanus hindi lamang dahil sa bakal

0 113

Hindi lamang nakukuha sa makalawang na bakal ang na- tetanus na sugat.

Ayon sa “Pinoy MD,” ang Clostridium Tetani, ay isang bakterya na sanhi ng tetanus ay natatagpuan kahit saang panig.

“It can be found in sand, soil, you can get it from animal bites. And basically everywhere around nature,” ayon kay Dr. Geminn Louis Apostol, isang public health doctor.

Nabatid sa Mayo Clinic, ang tetanus disease ay kilala bilang “lockjaw” at nakakaapekto sa nervous system at maaring ikamatay kung makakaranas nang hirap sa paghinga.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Severe tetanus infection can be experienced by patients with incomplete or not updated vaccination against tetanus,” ayon kay Dr. Apostol .

Ang bakuna umano kontra tetanus ang pinaka importanteng preventive measure laban sa tetanus.

Pangkaraniwang ibinibigay ang bakuna sa bata may edad 2, 4,6,15-18 buwan at 4-6 taon.

Habang ang mga adult ay maaring bigyan ng booster shot kada 10 taon at ito ay maaring ibigay sa may edad 11-12.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.