Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tetay kalmado sa gusot

0 822

Silence is golden ang tila armas ngayon ni Digital Empress Kris Aquino. May pinaputok na chika na diumano, ang kaniyang pagbabalik sa telebisyon, stop in the name of love na naman. Totoo nga ang payanig na ito?

Tinanong ko ang isang katotong manunulat na tunay na malapit kay Kristine Bernadette tungkol sa nasabing chika at ang reaksyon niya tungkol sa chika: “Pag tahimik si Kris, ibig sabihin, everything is under control.”

Hands on si Aquino sa pagtira ng eldest niya sa Tarlac. Si Joshua ay nakapisan muna sa Hacienda Luisita kasama ang kanyang Uncle Noynoy. Inayos ni Kris ang lahat ng mga pangangailangan ng kanyang panganay who loves the provincial life pala. Ergo, si James Jr. ang mas city boy at cosmopolitan.

Maaring libang na libang siya on what appliances to buy and bring, pati na rin ang food at kung ano-ano pang needs of her first born binata.

Ang nakakabaliw sa chikang ito, walang makapagpaliwanag kung bakit may ganitong satsat at sitsit tungkol sa pagbabalik telebisyon ni Kris, nagkataon o sinasadya ba ito? Talaga bang hindi pa tama ang panahon at pagkakataon?

Ang ganitong chikang maalingasngas, parang nagsisilbing gaas sa nag-uumapoy na damdamin ng kanyang bashers.Walang duda, having a field day sa kanilang posting of the cruelest and nastiest things sa tila laban o bawing pangyayari sa once a week program ni Krissy. Deal or no deal na nga ba? Spaghetting pataas o spaghetting pababa? Babu na agad at finality the WHO?

Kung everything is indeed under control, in this silence is golden phase, naway ma-iron out na talaga ang lahat ng mga gusot at lukot. Ang mga partidong dapat mag-usap, gawin itong propesyonal, harapan at personal at hindi sa pamamagitan ng official correspondences lamang. Matalinong babae si Kris and sigurado, she will appreciate it more if you say it to her face kung sakali mang may kung mga taong agam-agam at pakiwari.

Walang hindi nakukuha sa sinsero at edukadong pag-uusap. Kaya sa mga sumusunod na araw, malalaman na rin natin ang the truth and nothing but the truth. Ang tanong, can we handle the truth?

Vice may umay ang taray

Si Vice Ganda, may pagmamataray sa nakawan umano sa Philhealth.

Mananalig pa ba tayo na sinsero ang kanyang ipinahayag?

Kaya nga isang malaking kataka-taka at tunay na may hibang factor na may pumatol talaga sa kanya at nanalig na he has what it takes na magka-network.

Ano ang reaksyon sa katotohanang ang unang niyang pasabog hindi umere? Sablay, supot at ang palusot ay “technical difficulties.” Wow! Wala pa palang sapat na kahandaan bakit nagmamadaling ilunsad?

Kesa patulan pa natin ang taray niyang wala naman laging aray, mas bet ko pa ang sarcasm at hindi maitagong anger ni Nikko Natividad sa isinambulat niyang: “Gusto ko ipagsigawan sa mundo na napaka corrupt ng bansang sinilangan ko im so proud promise walang halong joke. Partida epidemya pa yan. Pano kung ordinary day lang”

Palakpakan na may kasamang sigawan para kay Nikko. Iba talaga pag tunay na lalaki, at may balls at that at hindi lang literal na bayagan ang nagsasalita tunglol sa mga kamaliang hindi na pwedeng ipagkibit balikat na lamang.

Marami ang hindi natuwa sa ipinahayag ni Natividad lalong-lalo na ang mga pro-gobiyerno nacional, poot na poot at suklam na suklam sila sa mga sinabi ni Natividad.

Sa true lang, mas kayo ang nakakarimarim at nakakasulasok dahil ng pagiging bulag, pipi at bingi niyo sa nagmumurang mga katotohanan, hindi katanggap-tanggap.

KaladKaren mabangis ang talak

Si Jervi Li, ba mas kilala bilang si KaladKaren Davila, patok na patok ang ‘animalistic’ hanash sa kanyang Twitter account.

Li, at her wittiest wrote: “May ostrich sa QC, May baboy na nakawala sa Cebu, May mga unggoy sa kongreso, May buwaya sa Philhealth, May tuta ng China, may langaw sa ibabaw ng kalabaw, May mga pusit na nagkakakat ng virus. Kinabog natin ang Manila Zoo. Mga hayop.”

Is this a fine sampling of a pahayag na ang subtexts ay ang matandang kasabihan na “bato-bato sa langit, ang tamaan, ‘wag magalit?” Kung sino man ang unang puputak sa hanash ni Karen, agad-agad, guilty.

Ang dami-dami pa namang balat sibuyas sa kasalukuyan. Na magreklamo ka lang, mamasamain na agad. Magsabayang kanta lamang nga, panawagan na raw para sa isang rebolusyon. Praning much na ba talaga?

How true na ang “Di Mo Ba Naririnig?” ang Filipino version ng “Do You Hear The People Sing” mula sa “Les Miserables”naging dahilan nga ba para magdabog ang bangs of some high ranking government officials?

Sa true lang tayo palagi, mas nakakapagdabog ng bangs yung mga ibang nasa bidyo na parang hindi alam ang lyrics of the song at parang sumali sa sabayang kantahan para masabi lang na “in” sila, huh. Gusto niyo na isa-isahin at pangalanan ko sila. Huwag na. Ang savage na nun! Hahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.