Abante Tonite Interactive

Tetay minasama ang review sa pelikula ni Coco

299

tonite-imo-vinia-vivarAng da­ming netizens na umiintriga kay Kris Aquino dahil sa inilabas niyang review sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.” Kinukuwestiyon nila kung bakit inuna pa nito ang nasabing movie kaysa sa “Fantastica” na pelikula ng kanyang best friend na si Vice Ganda.

Nanood si Kris ng last full show ng JEP kasama ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby. Ipinost niya ang larawan habang nasa sinehan sila last Friday kasabay ng kanyang papuri sa pelikula.

Sa comment section ay may mga nagtanong kay Kris kung hindi ba niya panonoorin ang “Fantastica.” May nagkomento pang masasaktan si Vice Ganda sa comment niya sa kalabang pelikula.

Bilang sagot ay nag-post si Kris ng palitan ng text messages nina Kris and Bimby at makikita ang date na Dec. 26, 2018.

Sa nasabing text message ay sinasabi ni Bimby sa kanyang Tito Vice na gusto niyang mag-sponsor ng block screening para sa “Fantastica.”

Sinagot naman ito ni Vice at nagpasalamat sa pagiging sweet ni Bimby. Sinabi rin niyang nasa Barcelona siya hanggang January 6.

Sa caption, ani Kris, nagpaalam daw siya sa kanyang bunso na i-post ang naturang palitan ng mensahe.

“Dahil ito ang katotohanan. Because my bunso sincerely loves @praybeytbenjamin, his tito vice. i asked to see his phone, and asked bimb’s permission if i may post his text exchange w/ tito vice.

“Kung ako lang ang iintrigahin- honestly, care bears. But my 11 year old still has a pure heart & i’ll do all i can to keep it that way… Inuna ni bimb as you can see December 26 yung text nya offering a Fantastica block screening. Now please stop bullying us, for this issue- MALI KAYO.

“Sa mga magsasabing bakit ako pumatol at nagpa stress, SIMPLE- because i realize it is your goodwill that sustains us so you deserve an opinion BUT more than that what’s at stake is bimb’s friendship w/ his tito vice. i think by now obvious- for my sons ka­yang manindigan, magsumikap, makipaglaban at magpakumbaba. THANK YOU, Next?” ang caption ni Kris.

Sa mga comment section ay nagbigay din ng kanyang pahayag si Vice Ganda at aniya ay ma­ayos ang relasyon nila ni Kris and kids.

“Naku anu na namang issue itooooo!!!! Utang na loob kakasimula lang ng taon itigil nyo ang pag iisip ng masama sa kapwa. Maayos ang relasyon namin at ng mga bata! (wow parang mag asawa talaga ang datingan lol!) . Kaya please wag nyo ng istressin ang mga sarili nyo tungkol samin. Love Love Love na lng! (in Kris’ voice) Mga vaklang twooooooooooo!!!!!” sagot ni Vice.

LJ nanganak na

Base sa IG post ni Paolo Contis last Friday, nanganak na ang girlfriend na si LJ Reyes sa kanilang panganay na pina­ngalanan nilang Summer Ayanna.

Nag-post si Paolo ng larawan ng isang wall clock na ang oras ay 4:56.

Sa caption ay inilagay lang niyang “1/419 4:56pm” at nilagyan ng hashtag na #SummerAyannaContis.”

Sa comment section ay may nagtanong na friend kung nanganak na ba si LJ at sagot ni Paolo, “koraak.”

Kaya naman inulan na ng pagbati ang dalawa ng kanilang mga kaibigan including celebrities.

Isa sa nag-congratulate si Archie Alemania at sagot ni Paolo, “dalaw ka sa inaanak mo.”

Bumati rin sina Kaye Abad, direk Gina Alajar, Joross Gamboa, Rocco Nacino, atbp.

Ito ang pangalawang anak bale n LJ. Ang ­panganay niya ay si Aki sa dati niyang karelasyong si Paulo Avelino.

Si Paolo naman ay may dalawang anak na ­babae sa ex-wife na si Lian Paz.