Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tetay naaksidente ang paa

0 71

Naaksidente na naman si Kris Aquino base sa kanyang latest Instagram post. Nag-post ang Queen of All Media ng mga larawan at isa rito ay makikitang duguan ang kanyang paa.

Ikinuwento niyang naglagay lang daw siya ng rose quartz crystal sa kanyang bath tub at pag-ahon niya ay duguan na ang kanyang paa.

“Do not swipe to the last picture if you are squeamish about blood- i think this was Sunday, i soaked in the tub, put my diluted essential oils, and pasensya na kung weird- nag obey, nag lagay ng malaking uncut rose quartz BECAUSE it’s supposed to help the skin heal (apart from losing my voice, i had an urticaria flare)… dagdagan na natin ang masamang dulot ng too much googling, my nurse was also playing the Tibetan singing bowl para daw mawala ang lahat ng negativity so i’ll “heal” faster.

“So i got out after 15 minutes, nag shampoo, used a mild shower foaming cleanser, then got out to dry myself- oh my, my left foot was covered in blood,” kwento ni Kris.

Hindi raw niya naramdaman na may sugat na pala siya and good thing, hindi natamaan ang vein pero muntik na.

“I swear, i didn’t feel kung nagasgas or tumama sa rose quartz, i also didn’t notice anything was wrong when i was in the shower. We showed my doctor & i missed daw the vein by less than 1/2 an inch or else nasa ER na ko. This pic was already after nalinis yung cuts with CUTASEPT but before the FUCIDIN,” lahad niya.

Kaya ang ending, wala na raw munang rose quarz eme.

“Moral of the story- awat na muna sa rose quartz & tigilan ko na muna yung mga Tibetan singing bowls… Start na ng Year of the Ox- here’s to a healthier year for all of us,” saad ni Kris.

Nag-post din ng larawan si Tetay habang isinasagawa ang kanyang blood tests para siguraduhin kung safe siyang mag-travel. As we all know ay lilipat na nga kasi sila ni Bimby sa probinsya.

“My regular blood tests are done either by Cardinal Santos or Medical City… it’s weird because majority of my doctors in the 🇵🇭 practice in St Luke’s Global or Asian- but because of where we used to live (Greenmeadows in QC), alvin befriended the people in the laboratory departments in the 2 nearby hospitals & it’s safe to say 75% of my blood work ups are still done by staff from Medical City.

“My doctors asked me to have my blood panel done to reassure all of us that i’m healthy enough to travel for my beach wellness break because we’re going somewhere that doesn’t have access to the same type of facilities that the hospitals i mentioned have,” pagbabahagi ni Kris.

Angel, Neil walang date sa V-Day

Wala raw Valentine date ngayon ang engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce dahil bukod nga sa pandemic, hindi raw talaga sila sumasabay sa pagdiriwang ng Feb. 14.

Nag-guest ang dalawa sa Sakto ng TeleRadyo last Friday at natanong nga ni Amy Perez kung ano ang kanilang Valentine plans.

“Actually every year halos hindi kami masyado nagse-celebrate ng Valentine’s,” sey ni Neil.

“Medyo hindi kami traditional type of ‘yung mga couple kasi talaga,” dagdag naman ni Angel.

“Pero we make sure magde-date kami, maybe before or after para hindi sabay sa rush,” ani Neil.

Dagdag pa ng businessman/movie producer, actually ay takot daw si Angel lumabas talaga.

“Actually may revelation ako rito, kahit si Angel nakikita niyo sa labas, palagi sa mga ospital ganoon, takot siya lumabas. Takot pa siya,” sey ni Neil.

“Hindi pa ako puma-party-party. Kapag kailangan lang ako lumabas, lumalabas ako. Pero as much as possible eh hindi talaga. Kahit anong parties wala pa akong na-attend-an simula noong pandemic. Medyo praning pa ako,” segunda naman ni Angel.

“So I think sa Valentine’s, medyo pandemic Valentine,” ani Neil.

Leave A Reply

Your email address will not be published.